27th Anniversary Celebration of the Senior Citizen Idinaos


Bookmark and Share
 
 
 
 
NOV
28
2016
Balagtas Balagtas Sport Complex Zone 4 - Matagumpay na naisagawa ang 27th Anniversary Celebration ng Senior Citizens Federation na pinangunahan ng Department of Social Walefare and Development sa tulong ng ating punumbayan Engr. Rustico Joven U. Mendoza at ng Sangguniang Bayan na dinaluhan pa ng ating Congresswoman Dr. Helen tan ang nasabing programa noong Octobre 30, 2016.

Dinaluhan ng ibat- ibang baranggay na kasapi sa Senior Citizens Federation ang nasabing programa na nagsimula sa isang thanks giving mass sa Roman Catholic Church bilang unang gawain.

Pinangunahan ng bungad panalangin ni Ms. Fe V. Flores at sinundan Philippine National Anthem sa kumpas ni Mrs. Tarcela L. Sarmiento.

Nagkaroon ng Lola Queen 2016 Competition at sinalihan ito ng mga lolas sa ibat- ibang barangay kung saan ay itinanghal na panalo ang Lola Queen ng Malusak na si Lola Julieta R. Amador.
Gayundin ay nagkaroon ng ilang Intermission numbers na nagpakita na talaga namang malalakas pa ang ating mga lolo at lola.

Nagbigay ng Inspirational Massage ang ating pangalawang punumbayan Zenaida D. Veranga at Councilor Merly Pesigan na siyang Committee on Social Service, Women and Family.

Dumating rin sa nasabing programa ang ating iginagalang Congresswoman Dr. Helen Tan na siyang naging Guest Speaker sa nasabing selebrasyon at dito ay kanyang ipinarating ang lubusan niyang pagmamahal sa mga nakakatanda at nais niya na mas humaba pa ang pananatili nila dito sa mundo upang makita nila ang magagandang pagbabago sa ating distrito.
 
Bookmark and Share