Selebrasyon ng Municipal Cooperative Month Pinangunahan ng MCDC


Bookmark and Share
 
 
 
 
NOV
28
2016
Brgy. San Isidro Atimonan, Quezon - Ika-28 ng Oktubre ng muling isinagawa ang Municipal Cooperative Month para sa taong ito. Dinaluhan ang naturang selebrasyon ng mahigit kumulang 250 na kasapi at mga bisita ng labindalawang kooperatiba sa ating bayan.

Ang mga kooperatiba na dumalo ay ang mga sumusunod: Our Lady of the Angels Multi  Purpose Cooperative (OLAMPC), Balubad Multi  Purpose Cooperative (BMPC), Saint Therese Multi  Purpose Cooperative (STMPC), Atimonan Coconut Farmers & Workers Multi  Purpose Cooperative (ACFWMPC), Villa Ibaba Multi  Purpose Cooperative

(VIMPC), Doña Marta Memorial District Hospital Multi  Purpose Cooperative (DMMDHMPC), Lamon Bay Transport & Service Multi  Purpose Cooperative (LBTSMPC), at Patnubay Savings & Credit Cooperative Multi  Purpose Cooperative (PSCC).

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang Motorcade at sinundan ng Tree Planting sa Brgy. San Isidro. Matapos ang Tree Planting ay sinimulan na rin ang Cooplympics kung saan ay nagsagawa muna ng Cooperative Pledge sa pangunguna ni Norby Morsiquillo ang Chairperson ng ACFWMPC, sinundan ng panimulang pananalita ni Randy Fajardo ang Chairperson ng MCDC at pambungad na pananalita mula kay Julian Inciong ang Chairperson ng OLAMPC.

Nagbigay rin ng mensahe ang Designated MCDO na si Rizaldy Veranga, gayundin ang Pangalawang Punumbayan Zenaida Veranga at Konsehal Maria Aurora Tamayo and SB Chairperson on Cooperative.

Nagkaroon din sila ng ibat ibang mga palaro at raffle para sa mga kasapi ng kooperatiba na dumalo sa nasabing selebrasyon. Natapos ang selebrasyon sa pamamagitan ng mensahe mula kay Isabel Ingente.
 
Bookmark and Share