Artificial Insemination Seminar para sa baboy isinagawa ng MAO


Bookmark and Share
 
 
 
 
SEP
15
2016
DILG Bldg. Tagbakin Atimonan Quezon - Noong ika-25 ng Agosto ay nagsagawa ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng seminar para sa mga Atimonanin na magbababoy kung saan ay nagkaroon din ng artificial insemination sa mga inahing baboy.
Sa pamumuno ni Pedro Gariguez Jr. officer-in-charge ng MAO ay isinagawa ang seminar para sa mga magbababoy. Sa tulong ni G. John Paolo Espana ay ipinaliwanag nila ang mga dapat gawin at kung kailan maaring gawin ang insemination sa nangangading baboy. May mga kundisyon ang mga nangangading baboy bago ito gawin. Ayon kay Espana, mas magandang gawin ang insemination sa baboy sa pangatlong araw ng pangangadi nito.

Ipinakita din kung paano ang tamang pagsasagawa ng Artificial insemination (AI) sa baboy, at kung paano mailalagay ang similya ng barakong baboy sa inahin o nagdadalagang baboy.
 
Bookmark and Share