Atimonan Municipal Library, ginawaran bilang 2016


Bookmark and Share
 
 
 
 
SEP
19
2016
St. Jude Multi-Purpose Cooperative Hotel and Event Center, Tayabas City - Noong ika-9 ng Setyembre 2016, idinaos ang ika-10 anibersaryo ng Librarians Association of Quezon province-Lucena, Inc. (LAQUEP-LINC) na may temang A Decade of LAQueP-LInc: Leading and Assisting Libraries in Quezon Province.


Dahil sa maayos at organisang pamamalakad ng silid-aklatan ng Atimonan; sa 41 na bayan sa buong Quezon, ang Atimonan Municipal Library ang hinirang na outstanding municipal library sa probinsya ng quezon ngayong 2016.


Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa masipag at dedikadong librarian ng bayan ng Atimonan. Na siyang namahala dito mula taong 2005 hanggang ngayon. At sa kanyang walang hanggang pagbibigay ng serbisyo sa bayan at sa kanyang pagiging aktibong miyembro ng LAQueP-Linc na kung saan ay dumadalo siya ng mga seminars at sumasama sa pag bibigay ng mga libro sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas; kaya naman ginawaran siya ng LAQueP-Linc ng Service Award sa buong probinsya ng Quezon.


Ang Municipal Library ng Atimonan ay unang itinatag noong taong 1948 sa tulong ng Municipal council ng bayan sa pangunguna ng pumanaw na dating Punumbayan Diosdado Amado. Sa pagdaan ng panahon ay unti-unting nadadagdagan ang mga libro at iba pang babasahin sa tulong ng National Library, Department of Science and Technology (DOST), Ayala Foundtaion at mga dating librarian dito.


Taong 2014 nang mailipat ang library sa lumang munisipyo sa Brgy. Tagbakin sa tulong ng ating dating Punumbayan Jose F. Mendoza at ng dating municipal administrator at kasalukuyang punumbayan Engr. Rustico Joven Mendoza. Sa kadahilanang ang dating municipal library ay nasa loob ng isang eskwelahan at dapat ay nasa loob ng munisipyo ng bayan.
At sa tulong ng kasalukuyang librarian na si Manuelita Veranga, RL ay lalo nilang napaganda ng pasilidad ng library na mayroong 36 na monobloc na mga upuan, 52 pirasong rubber mat, mga aircon at mga bintilador.


Nakakapagbigay sila ng maayos na serbisyo sa mga estudayante na nagpupunta doon sa pamamagitan ng mga telebisyon, dvd player, isang unit ng computer na galing sa National Library, isang unit ng computer mula sa Local Governemnt Unit (LGU), isang unit ng computer na may kasamang printer na galing sa Ayala Foundation, isang Starbooks na may printer at isang unit ng computer na mula sa DOST.


Malaking bagay ang mga makabagong teknolohiya na mayroon ang ating munispyo sapagkat naiinganyo ang mga mag-aaral na mag-aral dito. Lalo na ang pag gamit ng Starbooks, isang digital library na galing sa DOST na kung saan ay gagawa lang ng account ang bawat estudyante at magagamit na nila ito.


Kaya malaki ang pasasalamat ng bayan ng Atimonan lalo na ang mga estudyante na nakikinabang sa pag gamit ng silid-aklatan ng bayan kay Manuelita Veranga sa tulong at gabay na binibigay nito sa kanila upang makapag-aral sila ng mabuti.
 
Bookmark and Share