CSC Month, matagumpay na idinaos


Bookmark and Share
 
 
 
 
OCT
04
2016
New Municipal Bldg. Atimonan, Quezon - Matagumpay na isinagawa ang flag ceremony ng mga kawani ng lokal na pamahalaan noong Setyembre 26, 2016 na pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) sa harap ng bagong Munisipyo bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng 116th Anibersaryo ng Komisyon ng Serbisyo Sibil.

Dapat lagi natin isa-isip na public interest is always higher than your personal interest. Kaya kapag po personal interest na ang namamalagi sa inyong mga puso, its about time you go. Maghanap-buhay na po kayo sa iba. Huwag na po dito sa ating pamahalaan. Ito ang mga katagang binitiwa ni Mayor Ticoy Mendoza na naging hamon sa mga empleyado upang unahin ang pangkalahatang interes.

Pinarangalan naman ng Gawad para sa Paglilingkod sina Aida Villamiel na dating Municipal Treasurer at si Yolanda Abuel na Midwife ng Rural Health Unit (RHU) sila ang mga empleyadong magreretiro.
Nagbigay din ng pagkilala ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Zenaida Veranga kay Manuelita Veranga, registered library ng Atimonan Municipal Library na ginawaran ng LAQueP- Linc ng Service award sa probinsya ng Quezon ngayong taong 2016.

Pinarangalan din ang mga empleyadong nakilahok sa isinagawang Quiz bee na ginanap sa Simeona Mangaba (SM) Hall noong Setyembre 1, 2016, na nilahukan ng ibat-ibang departamento ng Pamahalaang Bayan, pinagkalooban sila ng mga sertipiko at gantimpalang salapi.

Silay nagtagisan ng talino, at ang nanguna sa nasabing patimpalak ay ang departamento ng Budget, pinangalawahan ng Municipal Agriculture Office (MAO) at sinundan naman ng Engineering Office.
Nagbigay rin ng pagkilala at pasasalamat sa mga ilang kawani at tanggapan ang HRM Office na naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang ng Civil Service Month.
Nagbigay din ng isang mensahe ang dating punumbayan at ama ng ating kasalukuyang Mayor na si Atty. Jose F. Mendoza at ayon sa kanya isa-isip ninyo na ang inyong naging punumbayan, ang inyong lingkod at ang inyong kasalukuyan punumbayan ay walang ibang hangarin sa ating bayan kundi ang ating bayan ay mapaunlad at kayong lahat ay mabigyan ng lubos na kasiyahan sa paninirahan sa ating bayan
 
Bookmark and Share