Thai food ba kamo, sa CjAinah ka na!


Bookmark and Share
 
 
 
 
OCT
06
2016
Gusto mo bang matikman ang mga masasarap na pagkaing mula sa bansang Thailand, ngunit hindi mo alam kung saan ka pupunta? Pwes, ito na ang sagot sa hiling mo dahil may Thai-Food inspired restaurant na dito sa bayan Atimonan, ito ay ang CjAinah na matatagpuan sa 554 Desembrana St. Brgy. Zone II Poblacion Atimonan, Quezon.

Ito ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ni Chef Chona V. Saavedra. Ayon kay Chef Chona ay kinuha nila ang pangalan ng restaurant sa pangalan ng kanilang anak na lalake na si CJ at anak nilang babae na si Ainah. Nabuo ang konsepto ng restaurant noong Agosto 01, 2015 dahil nasa puso na talaga ni Chef Chona ang pagluluto at idagdag pa ang impluwensya ng kanyang kabiyak na mula sa Thailand.

Pero kahit na banyaga ang inspirasyon ng kanilang mga pagkain ay hindi nawawala ang Filipino Touch sa bawat inihahahin nilang pagkain na siguradong pupukaw sa panlasa nating mga Atimonanin. Tulad na lamang ng masarap nilang Binagoongan Rice na sa CjAinah mo lang matitikman.

Nariyan rin ang ibat-ibang luto nila ng pasta o spaghetti, sandwiches at masarap na mga inumin. Babalik-balikan mo naman ang sarap ng kanilang Best Seller na Pad Thai o stir fried Rice Noodles na isa sa mga kilalang street food sa Thailand. Ito ay nilahukan ng mga sariwang sangkap tulad ng beans sprout o toge, spring onions, tokwa, mani at manok o hipon, na puno ng sustansya sa abot kayang halaga.

Hindi rin papahuli ang kanilang ipinagmamalaking Jumbo Thai Sausage na gawa sa purong karneng baboy na walang kahalong taba. Ang kakaiba pa dito ay kanin ang isa sa mga sangkap na nagpapasarap sa kanilang sausage. Kapansin-pansin rin ang roasted nuts na makikita sa lahat ng kanilng pagkain na nagsisilibing tatak ng kanilang restaurant o maging ng mga sikat na Thai Food Restaurant.

Tunay nga na hindi lang masarap kundi masustansya rin ang kanilang inihahain dahil sa piling sariwang Herbs and Spices lamang ang kanilang ginagamit tulad ng lemon grass o tanglad, luya, mani, at marami pang ibang sangkap na sadyang puno sa bitamina at sustansya.

Ang larawan rin ng mga nasabing sangkap ay makikita sa kanilang bulletin board kasama ang mga benipisyo nito sa ating kalusugan. Dahil para sa kanila ay mahalagang malaman ng kanilang mga customer ang benipisyo o epekto ng kanilang mga kinakain. Ayon pa kay Chef Chona bukod sa masarap, ang pagbibigay ng healthy options na pagkain ang dahilan kung bakit lalabas ka ng kanilang restaurant ng may ngiti sa iyong labi.

Kaya sa mga nagnanais na magkaroon ng perfect Thai Food experience upang bigyan ng buhay ang inyong mga business meeting, dinner date at maging family bonding ay magtungo na sa CjAinah na bukas mula 4:30 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi. Ayon kay Chef Chona maaari-ari nyo ring bisitahin ang kanilang facebook account na cjainah.saver at facebook.com o tawagan ang kanilang telepono bilang (042) 316- 5060 at 09155909297 para sa mga lunch reservation at delivery sa loob ng bayan ng Atimonan.
 
Bookmark and Share