Mobile Birth Registration, Isinagawa


Bookmark and Share
 
 
 
 
NOV
28
2016
Sa pamamagitan ng gawaing ito ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Atimonanin na naninirahan sa malalayong barangay at kabilang sa mga "indigent families" na maipa-rehistro ang kapanganakan nila o ng kanilang kaanak ng walang bayad. Ito ay bahagi rin ng Gender & Development Plan ng tanggapan ng Local Civil Registry.

Ang mobile registration ay ginanap sa Brgy. Hall ng Malinao Ilaya noong Nobyembre 26, 2016 kung saan ay mga mamamayan mula sa mga sumusunod na barangay ang nakiisa: Malinao Ibaba, Malinao Ilaya, Tinandog, Rizal at Sta. Catalina.

Bukod sa mga kawani ng LCR Atimonan, dumating din mula sa Philippine Statistics Office-Quezon si Ms. Maelyn S. Llave upang makatulong sa pag-i-interview ng mga nagpapa-rehistro.

Ang mobile birth registration ay serbisyong hatid ng Lokal na Pamalaan ng Atimonan sa pangunguna ni Mayor Ticoy U. Mendoza at sa pagsuporta ng Pambayang Pederasyon ng Liga ng mga Barangay na pinamumunuan ni Pangulong Jun Vidal.
 
Bookmark and Share