Hands on training ng herbs production at marketing pinangunahan ng MAO


Bookmark and Share
 
 
 
 
NOV
28
2016
Atimonan Zigzag Park Pavilion - Matagumpay na naisagawa noong Oktubre 18 ang Hands on training on Herbs Production & Marketing sa tulong ng Office of the Provicial Agriculturist sa pangunguna ni Gov. David Jay-jay Suarez at ni Roberto Gajo at sa pagbibigay suporta ng lokal na pamahalaan sa pangunguna naman ni Mayor Engr. Ticoy Mendoza.

Layunin ng nasabing pagsasanay na palawigin ang kaalaman ng mga Atimonanin sa pagtatananim at pagbebenta ng mga halamang gamot at mga halamang pang-sangkap sa pagkain.

Sa kanilang obserbasyon sa pagbubukas ng herbal pavilion sa zigzag park ay nagkaroon sila ng ideya na kung paano nila matutulungan ang mga taga Atimonan. Gayundin sa tulong ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa pangunguna ni Pedro Gariguez, jr. ay dinulog nila ang proposal na magsagawa ng training kay Mayor Ticoy para sa mga kababayan.

Nagbahagi ng mga kaalaman ukol sa halamang gamot ni Roberto Artregenio, Jr, an gating Provincial Herbal Coordinator. Ito ay nagbigay ng dagdag na kaalaman sa ating mga kababayan.

Si Emelia Rosales ay naman ay anim na taon ng nag-oorganic farming at di naglaon ay naisipang mag-negosyo nito. Ayon rin sa kanya pagkakitaan ng malaki ang mga herbs tulad ng rosemary, tarragon, thyme at stevia.

Nagkaroon siya ng aktwal demo upang maipakita ang tamang pagtatanim ng mga halaman at ang tamang dami at presyo sa pagbebenta nito. Dagdag pa niya, talagang malaki ang kikitain dito sa dami ng mga may kainan at malalaking kumpaniya na nais bumili ng mga ganitong halaman.
Kaugnay nito ay ipinaliwanag sa mga dumalo ang ibat-ibang istratehiya sa pagbebenta ng mga herbal sa merkado. Ibinahagi ni Bb. Ayrin Llorin, may-ari ng Cortijo de Palsabangon sa Pagbilao, Quezon ang kanyang mga karanasan sa herbal business.
 
Bookmark and Share