Atimonan pinarangalan sa Regional Nutrition Awarding Ceremony


Bookmark and Share
 
 
 
 
NOV
28
2016
Acacia Hotel, Alabang, Muntinlupa City - Nakatanggap ang Atimonan ng Green Banner Award sa naganap na CALABARZON Regional Nutrition Awarding Ceremony (RNAC) noong ika-11 ng Nobyembre na dinaluhan ng ilang mga opisyal ng bayan at barangay mula sa CALABARZON. Dumalo rin si Congw. Ana Marie Villaraza Suarez na silang tumanggap ng parangal para sa lalawigan ng Quezon.

Iginawad ang Green Banner Award sa bayan ng Atimonan bilang isa sa Outstanding Municipality sa Lalawigan ng Quezon. Nasungkit rin ng lalawigan ng Quezon ang pagiging Outstanding Province sa buong Rehiyon.
Dagdag pa rito isa sa mga finalist ng Provincial Outstanding Barangay Nutrition Scholar ang Atimonan sa katauhan ni Maria Theresa B. Fornasa na siyang BNS ng Brgy. Malusak.

Mayroon ding Search for the 2015 Outstanding Barangay Nutrition Committee, at naging finalist din ang Atimonan sa nasabing parangal. Isa ang Brgy. Malusak sa mga nagkamit ng Outstanding Barangay Nutrition Committee. Ang tumanggap ng mga parangal ay sina Kapitan Rolando Maroon ang Kapitan ng Barangay Malusak kasama sina Maria Theresa B. Fornasa ang BNS ng Brgy. Malusak at Nelliadel Dalisay nurse sa Rural Health Unit ng Atimonan.

Samantala tinanghal naman na Outstanding Municipality sa buong CALABARZON ang Kalayaan, Laguna. Ginawaran naman ang BiƱan City bilang Outstanding City sa buong CALABARZON.
 
Bookmark and Share